-------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Injectible Contraceptives
Question: Lynn, (Canada) June 2, 2009
Hi! Maaari po bang mgtanung tungkol po sa akin menstruation?bali and2 aq sa canada, umuwi aq lastyer May 2008 pra mgpakasal sa future husband ko. pagdating na ko nun sa pinas agad po aq ngpa inject sa malapit po sa aming barangay clinic pra hnd po aq mabuntisan. ng spend po aq ng vacation q ng almost 4months until september na bumalik na aq d2 sa canada. then since MAY 2008 until now June 2009 hnd prin po aq dinadatnan ng aking menstrution? anu po kaya ang problema sa akin period? umaaasa po aq ang inyong kasagutan..salamat po!
-----------------
Answer
Dear Lynn,
Marami nang available na tinatawag na injectable contraceptives sa ngayon. Sana'y alam mo kung ano ang pangalan ng gamot na ibinigay sa iyo. Mahalaga na inaalam ang anumang gamot na binibigay sa iyo. Ang mga injectable na contraceptives na ito ay safe naman at nakapagdudulot ng pangmatagalan na proteksyon laban sa pagbubuntis. Depende sa gamot na naibigay sa iyo, maaaring may proteksyon ka ng isa, dalawa, o tatlong buwan bago ka mangailangan ng panibagong injection. Kung hindi ka na nagpaturok ulit, maaaring umabot ng lima o anim na buwan bago ka mag-ovulate ulit at magkaroon ng regla. Minsan nagkakagulo talaga ang menstrual cycle dahil sa mga gamot na ito. Kung may health insurance ka diyan sa Canada, mas mabuti na ikaw ay magpatingin sa gynecologist, lalo na kung nag-iisip na kayo ng asawa mo na magka-anak na.
Maraming salamt sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
------------------
Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
---------------
Thursday, June 11, 2009
Arthritis
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Arthritis
Question: Joanna, (Philippines) June 4, 2009
Message : hello po just wanna ask if may connection po ang pamamaga ng kamay at pagmamanhid ng daliri sa arthritis??? kasi po ang mama ko almost a week na po niya iniinda yung pangigimay ng kamay niya ano po kya ang mabisang gamot dito?
salamat po..hope to hear you soon..
-----------------------
Answer
Dear Joanna,
Ang pamamaga ng kamay at pagmamanhid ng mga daliri ay maaaring konektado sa ibang mga tipo ng arthritis, katulad ng tinatawag na rheumatoid arthritis. Hindi lamang ang mga kasukasuan ang kasali dito sa sakit na ito, dahil ito ay isang "systemic disease". Kung may nahawakan ang mother mo na maaaring maging sanhi ng allergy, pwede rin na allergic reaction ang kanyang nararanasan ngayon. Mahirap magreseta ng gamot kung hindi namin nakikita ang pasyente dahil maraming kailangang pag-usapan at eksaminin. Kung wala siyang mapupuntahan na doktor, handa kaming gumawa ng appointment para sa kanya.
Maraming salamat sa iyong tanong at sana'y makatulong pa kami sa iyo.

Subscribe to:
Posts (Atom)